MANILA, Philippines – Isang lalaki na may dalang baril ang naaresto ng Imus Police Station makaraan umanong makuhanan ng hindi lisensyadong baril habang naglalakad sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu II-D, Imus City, Cavite.
Base sa report ng pulisya, bandang 5:30 ng umaga kasalukuyang nagsasagawa ng routine patrol ang mga operatiba ng Sector 8 nang mapansin nila ang suspek na may isinusuksok na baril sa kanyang beywang habang naglalakad sa nasabing highway.
Kaagad nilapitan ang suspek at kinompronta saka nakuha mula sa pag-iingat nito ang isang cal.38 revolver na walang serial number at may anim (6) na live rounds ng bala.
Dito hinanapan ng mga dokumengto na pagpatunay na awtorisado siyang nag may-ari at magdala ng baril.
Subalit wala umanong maipakita ang suspek na katunayan na lisensyado ang baril na bitbit nito.
Nahaharap sa kasong paglabas sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek na nakaditine ngayon sa Imus City Police Station. MARGIE BAUTISTA