Home METRO Babae kritikal matapos mabangga habang sumasakay sa umaandar na dyip

Babae kritikal matapos mabangga habang sumasakay sa umaandar na dyip

4
0

MANILA, Philippines – Isang 28-anyos na babae ang nasa kritikal na kondisyon matapos mabangga ng isang dumaraang trak habang sinusubukang sumakay sa umaandar na dyip sa San Andres Street kanto ng Osmeña Highway noong madaling araw ng Hulyo 16.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruby Ann Wacay Damil, residente ng San Andres Bukid. Dinala siya sa Philippine General Hospital (PGH) para sa agarang gamutan matapos ang insidente bandang 2:20 a.m.

Sa paunang imbestigasyon, lumabas na ang dyip na minamaneho ni Ronald Velasco Redito, 45, ay tumatakbo sa San Andres Street nang umano’y habulin ito ng isang grupo ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal.

Ayon kay Redito, may naghagis ng bato sa kanyang dyip kaya napilitan siyang pabilisin ang takbo at tumawid sa Osmeña Highway kahit pula ang ilaw ng trapiko upang makahingi ng tulong sa malapit na police community precinct.

Habang tumatawid ang dyip sa interseksyon, sinubukan umano ng biktima, na kabilang umano sa humahabol na grupo, na sumakay sa umaandar na sasakyan. Doon siya nabangga ng isang dumaraang sasakyan at nagtamo ng matinding pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here