DOHA, Qatar – Inanunsyo ng Qatar na naharang ng kanilang sandatahang lakas ang isang missile attack na tumama sa kanilang teritoryo nitong Biyernes.
Ayon sa Ministry of Defense ng Qatar, matagumpay na na-intercept ng kanilang air defense system ang missile na target ang bansa.
Nauna rito, iniulat ng mga mamamahayag ng AFP sa kabiserang Doha na nakarinig sila ng ilang malalakas na pagsabog.
Patuloy pang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at wala pang ibinibigay na karagdagang detalye tungkol sa pinagmulan ng pag-atake o posibleng pinsala. RNT/MDS