Home METRO Mga mangingisda sa Pangasinan, tumanggap ng P11M bangkang pangisda – BFAR

Mga mangingisda sa Pangasinan, tumanggap ng P11M bangkang pangisda – BFAR

3
0

PANGASINAN, Philippines – Ipinagkaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isang 62-foot Fiber Glass Reinforced Plastic (FRP) handline boat na nagkakahalaga ng P11 milyon sa Barredo Fishermen Association (BFA).

Kasama rin sa ipinamahagi ang anim na pakura, mga handline fishing gear, at iba pang gamit sa bangka upang makatulong sa pangingisda sa komersyal na karagatan.

Ayon sa BFAR, ang BFA ang unang samahan ng mga mangingisda sa Ilocos Region na tumanggap ng naturang bangka. Inaasahang makikinabang dito ang mahigit 100 mangingisda at madaragdagan ang kanilang kita.

Pinaalalahanan naman ng BFAR ang mga benepisyaryo na huwag mangisda sa municipal waters na nakalaan para sa maliliit na bangkang pangisda.

Magkakaroon din ng limang araw na pagsasanay para sa kapitan, mekaniko, at tripulante tungkol sa tamang operasyon, pamamahala, at kaligtasan sa paggamit ng bangka.

Hiniling naman ng samahan sa BFAR na maglagay pa ng mas maraming payaw upang mas mapadali ang paghuli ng isda. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here