Home METRO Ginang na dumalaw sa asawang nakakulong, binaril, utas

Ginang na dumalaw sa asawang nakakulong, binaril, utas

1
0

CAVITE, Philippines – Isang ginang ang binaril ng riding in tandem, makaraang bumisita sa asawang nakakulong sa BJMP sa Gen Trias City, Cavite.

Patay  na ng natagpuang sa gilid ng creek ang biktimang si alyas Nadia, 33 ,residente ng Parklane Subd, Barangay Santiago ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa ulo na naging sanhi ng ikinamatay.

Base sa pagsasalarawan isang magkaangkas sa.motorsiklo na nakasuot ng kulay itim na t-shirt ang driver habang ang angkas nito ay nakasuot ng kulay puti na jacket at puting helmet.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:47 ng hapon naglalakad ang biktima papauwi sa kanilang bahay  nang harangin siya ng mga suspek at dito kaagad na binaril ng naka angkas sa motorsiklo ang ginang.

Napag alaman na galing ang biktima sa BJMP Facility sa Barangay Santiago ng nasabing lugar matapos bisitahin nito ang asawang nakakulong.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang pamamaril patungo sa direksyon ng Sitio Kiko Rosa ,Brgy San Francisco ng naturang lugar.

Nagsasagawa ng backtracking  ng CCTV footage ang pulisya sa posibleng dinaanan ng mga suspek para sa agaramg ikadarakip ng mga ito. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here