Home NATIONWIDE Timing ng bagong ayuda ng pamahalaan kinwestyon ni Cayetano

Timing ng bagong ayuda ng pamahalaan kinwestyon ni Cayetano

7
0

MANILA, Philippines – Kinwestyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang timing ng sunod-sunod na anunsyo ng pamahalaan kaugnay sa financial assistance.

Sa Facebook livestream nitong Biyernes, Hulyo 17, iginiit ni Cayetano na bagamat mabuti ang ayuda ng pamahalaan, dapat pa ring busisiin ng publiko kung saan kinukuha ang pondo at distribution purposes.

Inalala ni Cayetano na noong 2020 pandemic lockdown, isinulong niya ang P10,000 cash package sa ilalim ng Bayanihan 1 para makatulong sa mga nahihirapang manggagawa.

Anang senador, patuloy niyang isinusulong ang targeted P10,000 assistance sa maliliit na negosyo at mga may sakit hanggang 2022 at 2023 subalit tinanggihan ng kasalukuyang administrasyon ang naturang proposal.

“Pero the past 2 days, sobra po yung mga ganda ng amounts na ina-announce. So sabi sa akin, ‘Sir, may 12K pa (P2,000 from June to December). So kaya pala yung 10K. Bakit ngayon lang 2026? Alam na yung sagot.’ O ano yung sagot? ‘E nanakawin muna yung daan-daan bilyon bago kayo bigyan. Di ba?'” ani Cayetano.

Kinondena rin nito ang pinaniniwalaan niyang misplaced priorities ng national budget at ipinuntong ang P200 billion hanggang P400 billion ay laging available taon-taon para sa financial aid.

Sa halip na agarang ipamahagi sa mga mahihirap, sinabi ni Cayetano na ang pondo ay idinaan sa infrastructure projects kung saan sila madaling makakakuha ng kickback.

“Nandyan ang pera. Pero saan nilagay? Doon sa mga pwedeng nakawin. 10%, 15%, 20%, 25%, 30%. May ghost pa. So yung ghost, ibig sabihin, isang daan porsyento ninakaw. Ngayon na galit na galit na kayong lahat, at ngayon na malapit na mag-SONA… at syempre, pataas nang pataas ang presyo dahil mismanage din po,” dagdag pa nito.

Bilang pagtatapos ay nagbabala si Cayetano na ang pagpondo sa malawakang financial aid packages matapos ang matitinding korapsyon sa gobyerno ay magtutulak sa mismanagement ng economic spending, magpapataas sa utang, at pagbebenta ng state assets sa mababang presyo.

Matatandaan na noong Huwebes ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglalabas ito ng bagong set ng financial assistance sa low-income Filipinos kasabay ng napipintong epekto ng panibagong giyera sa Middle East. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here