Home ENTERTAINMENT Robin, nagpaliwanag sa ipinagmalaking nagtapos siya sa ‘University of Prison’!

Robin, nagpaliwanag sa ipinagmalaking nagtapos siya sa ‘University of Prison’!

8
0

Manila, Philippines – Kung ang misis niyang si Mariel Rodriguez ay nilibak sa pagsusuot ng doctoral regalia–gayong short ito sa academic credentials–si Sen. Robin Padilla nama’y proud of having graduated from the “University of Prison.”

Kontra-pelo nga ang mag-asawa.

Kung undergraduate si Mariel sa kursong kinuha sa De La Salle University, certfied graduate naman si Robin–sa non-existent academic institution nga lang.

Pero kakaiba ang katwiran ni Binoe.

Sa halip na mapikon, ginamit niya ang Al-generated photo para ipagmalaking sa preso siya natuto.

Magugunitang nakulong si Robin dahil sa illegal possession of firearms and ammunition kasunod ng insidente ng hit-and-run noong 1992.

Pagmamalaki niya sa “UP”: Ito ang unibersidad ng totoo at tunay na estado ng bansa at ng taongbayan.

“Dito sa lugar na ito nagpupunta ang mga mababa at mataas na paaralan kasama na ang sikat na unibersidad para matuto sa buhay ng mga kriminal. Madali lang ang pumasok dito.

“Ang mahirap ay ang makalabas at mag-graduate…with honors o with death.”

Siyempre, iilan lang ang nakaka-relate sa tinuran ng actor-lawmaker. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here