Home NATIONWIDE Bawat anggulo sisilipin sa pagpatay sa vlogger na si Mima Alicia

Bawat anggulo sisilipin sa pagpatay sa vlogger na si Mima Alicia

22
0

MANILA, Philippines – Iimbestigahan ang bawat anggulo sa pagpatay sa vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, Hulyo 20.

“Unang-una, ‘yung pagvo-vlog niya kung saan siya nakilala, tinitingnan po natin ‘yan, kanyang mga activities, ang kaniyang leanings… in other words, ‘yung political leanings. ‘Yun pong kaniyang negosyo, ‘yun pong kanyang private life,” sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Allan Rae Co sa panayam ng DZBB.

“Kagaya nga po ng ating sinabi, wala po tayong dini-discount dito, tinitingnan po natin lahat. Any of these things could be the reason sa nangyari po na ito,” dagdag pa nito.

Si Lipata ay content creator na kilala sa kanyang mga political commentary.

Siya ay binaril-patay ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa labas ng kanyang bahay sa Barangay 171, Caloocan City noong Hulyo 17.

Bilang tugon sa insidente ay bumuo ang Northern Police District (NPD) ng Special Investigation Task Group (SITG) “MIMA” para imbestigahan ang pagpatay sa biktima.

Sa kanyang mga vlog, hayagang pinag-uusapan ni Lipata ang mga isyu at sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kilalang kritiko ni Vice President Sara Duterte at mga kaalyado nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here