Home ENTERTAINMENT Pelikulang Elena 1944 ni Kathryn, shelved!

Pelikulang Elena 1944 ni Kathryn, shelved!

26
0

Manila, Philippines – Malabo na sa dilang malabo nang matuloy ang pelikulang Elena 1944 na pagbibidahan ni Kathryn Bernardo.

Tungkol ito sa mga comfort women noong panahon ng mga Hapon.

Aminado ang mga nasa likod ng produksyon na madugo ang project na ito.

Nire-require kasi nito ang mga maaaksyong tagpo para ma-recreate ang mga huling yugto ng World War II.

Dahil malabo na nga itong matuloy, may nag-suggest na gawin ni Kathryn ang remake ng movie na Feng Shui.

Identified sa dalawang tao ang nasabing pelikula: kay Chito S. Roño na siyang direktor nito at may hawak sa film rights, at kay Kris Aquino na bumida dito.

When asked if nabanggit ba ng Star Cinema ito sa kanya ay hindi daw alam ni direk Chito.

But in case, some other director ang matoka ay papayag ba siya?

“Hindi!” mabilis na sagot ni direk Chito.

Pero kung si Kathryn ang kukuning bida’y walang kaso sa kanya.

Mas keen si direk Chito na gawan ng remake ang pelikula niyang Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga.

Bida doon si Rosanna Roces.

Pero ang nais mangyari ni direk Chito, spiritual sequel ang mangyari.

He also doesn’t have anyone in mind to play the title role: “Puro pa-cute ang mga artista, eh!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here