MANILA, Philippines – Isang guro ng private school sa lungsod ng Imus ang nasugatan makaraang matamaan ng ligaw na bala sa naganap na barilan sa Barangay Malagasang 2A, ng nasabing lungsod.
Base sa salaysay ng kaanak ng biktima na
kasalukuyang nagpapagaling sa ospital, naroon siya sa lugar kung saan nagkaroon ng putukan dahil sa umano’y away na humantong sa barilan na ikinasugat ng biktima.
Patuloy na inoobserbahan ang kalagayan ng guro ayon sa doktor na tumingin rito.
Ayon sa nakalap na impormasyon, isang nag -aaway at nagbabarilan sa lugar ang nangyari, subalit walang rumesponde na otoridad sa lugar na hindi kalayuan ang Police Precint pati na rin ang mga opisyal ng barangay para madala ang biktima sa pagamutan.
Napag-alaman at laking pasasalamat na lang ng mga kaanak ng biktima sa lalaking nagmagandang loob na tumulong upang madala sa pagamutan ang kawawang guro.
Kinumpirma nanan ni PltCol Chey Chey Saulog Hepe ng Imus PNP, na pormal na nilang sinampahan ng kaso ang suspek sa naganap na barilan. MARGIE BAUTISTA