Home METRO Ama, guro at suspek sugatan sa barilan sa Cavite

Ama, guro at suspek sugatan sa barilan sa Cavite

17
0

MANILA, Philippines – Tatlong katao, ang nasugatan makaraang magtamo ng mga tama ng bala sa katawan kabilang ang isang guro at ang suspek, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Callejon St., Brgy. Malagasang II-A, Imus City, Cavite

Ayon sa nakalap na report, nagsimula ang insidente dakong alas-8:15 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng 19-anyos na biktima at ng 27-anyos na suspek.

Sa kasagsagan ng kanilang komprontasyon, umano’y bumunot ng kalibre .38 revolver ang suspek at dalawang beses na nagpaputok.

Hindi tinamaan ng suspek ang unang tinarget nito na barilin at minalas na tinamaan ng isang ligaw na bala ang 48-anyos na guro na nagkataong naroon sa lugar.

Sumugod naman ang ama ng isa sa biktima na isang 53 anyos nang malaman ang nangyari upang komprontahin ang suspek hanggang sa nagpambuno at nag-agawan sa baril hanggang sa barilin din umano siya ng suspek.

Sa kabila ng kanyang tinamong tama ng bala, sinubukan pa rin ng ama na maagaw ang baril.

Habang nag-aagawan ang dalawa, biglang pumutok muli ang armas at tinamaan naman ang suspek.

Isinugod naman sa South Imus Specialist Hospital ang dalawang biktima at ang suspek upang isailalim na rin ng hospital arrest ang suspek habang nagpapagaling.

Sa ginawang imbestgasyon ng pulisya, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang Rohm RG-40 caliber .38 revolver na may isang bala at apat na basyo ng bala.

Ayon naman kay PltCol Chey Chey Saulog ,hepe ng Imus CPS, Nakatakda ng sampahan ng kasong Frustrated Murder ang suspek na nagpapagaling ngayon sa pagamutan. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here