Home METRO Kumakalat sa SocMed na napatay sa selda suspek sa pumatay sa moto...

Kumakalat sa SocMed na napatay sa selda suspek sa pumatay sa moto taxi rider, fake news – NPD

13
0

MANILA, Philippines -Mariing pinabulaanan ng Northern Police District (NPD) ang kumakalat sa social media na napatay sa loob ng selda ang nakakulong na suspek sa pagpatay sa isang Move It rider at sa Caloocan City at responsable rin sa panghoholdap sa isang grab driver sa Malabon.

Ayon kay NPD Public Information Office (PIO) chief P/Lt. Rachelle Raymundo, nag-verify na aniya sila sa Malabon City Police Station kung saan nakadetine ang suspek at sinabing fake news ang kumakalat sa social media.

Maging si Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth ay nagpadala rin ng mensahe upang pabulaanan ang kumakalat na balita kung saan makikita na nagtatanong din ang nag-post kung totoo na napatay sa bugbog ng kapuwa persons deprived of liberty (PDL) ang suspek sa loob ng kulungan.

Magugunita na pinagsasaksak ng ice pick ng 43-anyos na suspek na si alyas Jeffrey ang sinakyan niyang rider na si Fabio Norberte, Jr. noong Hulyo 14 sa Caloocan, bago tinanangay ang motorsiklo ng biktima.

Pagsapit sa Lungsod ng Malabon, muling nangholdap ng grab driver ang suspek kung saan siya naaresto ng mga tauhan ng Malabon Police matapos kuyugin ng humabol na kalalakihan.

Pinapayuhan ng NPD ang lahat na kumuha lamang ng impormasyon mula sa opisyal na pahayag at opisyal na social media pages ng Philippine National Police at ng Northern Police District. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here