Home METRO 2 anggulo tinitingnan sa pagpatay sa vlogger, supporter ni PBBM

2 anggulo tinitingnan sa pagpatay sa vlogger, supporter ni PBBM

9
0

MANILA, Philippines – MAY dalawang anggulong pinagbabatayan ang pulisya sa ginawang pamamaslang sa babaeng vlogger at malubhang ikasugat ng kinakasama nito sa Caloocan City.

Batay sa Caloocan-PNP, bukod sa pagiging vlogger ni Alicia Lipata alyas “Mima Alicia”, tinitingnan ding anggulo ng kapulisan ang personal niyang alitan sa dating ka-relasyon na humantong pa sa pagsasampa ng kasong may kinalaman sa paglabag sa Violence Against Women and their Children Act at paghahain din ng reklamo laban sa kanya o “charge-counter-charge.”

Bukod pa rito, ang mga nai-post sa social media ng biktima hinggil sa mga maaanghang na komento na may kinalaman sa isyung panlipunan at pulitika na posibleng may mga taong tinamaan at nasaktan sa kanyang pahayag.

Mahalaga rin umano ang magiging pahayag ng live-in partner ng biktima, na kasalukuyang nagpapagaling pa sa pagamutan.

Mayroon na umanong persons of interest ang pulisya na kanilang sinusubaybayan na naka-batay sa nirebisa nilang mga kuha ng CCTV sa lugar. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here