Home METRO Magkapatid na babaeng tulak ng droga, arestado

Magkapatid na babaeng tulak ng droga, arestado

13
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Tuluyan ng naaresto ang dalawang magkapatid na babae sa isinagawang drug buy-bust operation ng Bayombong Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Vizcaya sa Purok 1, Masoc Bayombong, Nueva Vizcaya, umaga ng Lunes, Hulyo 20.

Kinilala ang magkapatid na sina “Ina,” 33 anyos, may asawa, isang katulong, residente ng Brgy. Masoc at si alyas “Angel,” 39 anyos, dating tindera, residente ng Antipolo at bumisita sa kanyang kapatid.

Nabili sa magkapatid ang isang maliit na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.2 gramo at nagkakahalaga ng isang libong piso.

Habang sa isang sling bag na pagmamay-ari ng isa sa mga suspek, narekober ang dalawang maliit na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.5 at 0.7 na gramo.

Sa kabuuan, aabot sa 1.4 na gramo ng iligal na droga ang narekober mula sa mga suspek kung saan mayroong market value na 9,520 piso. Maliban rito, nakuha rin sa bag ng suspek ang isang 1000 genuine-peso bill, limang piraso ng tig-100 genuine-peso bill, isang cellphone, at isang lighter.

Depensa naman ng mga suspek, napag-utusan lamang na magbenta, at hindi sila gumagamit. Handa rin umano silang sumailalim sa drug test upang mapatunayan ito.

Nahaharap ang magkapatid sa kasong may kinalaman sa R. A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Actnof 2002. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here