Home NATIONWIDE Vigan City Cathedral, nilooban ng kawatan

Vigan City Cathedral, nilooban ng kawatan

1
0

ILOCOS SUR-Shoot sa kulungan ang isang 36-anyos na lalaki matapos nitong pasukin ang Saint Paul Metropolitan Cathedral sa Vigan City at tangayin ang mga sobreng naglalaman ng church donations nitong madaling-araw ng Linggo, Oktubre 25.

Ayon sa Vigan City Police Station, ang suspek ay isang construction worker, walang asawa, residente ng Bangued, Abra.

Hindi nagawang makatakas ng suspek matapos makorner habang bumababa sa scaffolding na nakakabit sa harap ng simbahan.

Narekober mula sa suspek ang mga sobreng naglalaman ng church donations, isang volt cutter, apat na nadistrungkang padlock, steel plies, isang steel cutter saw, dalawang microphone, isang maliit na circular mirror, isang cellphone, mga personal belongings ng suspek gaya ng damit at motorsiklo.

Ang inventory at markings sa mga nakuhang ebidensya ay ginawa mismo doon sa lugar na pinangyarihan ng insidente, sa presensya ng mga barangay officials at ng mga empleyado ng simbahan. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here