Home HOME BANNER STORY PH Navy personnel sugatan sa palo ng baton ng Chinese Coast Guard...

PH Navy personnel sugatan sa palo ng baton ng Chinese Coast Guard sa WPS

9
0

MANILA, Philippines – ISANG miyembro ng Philippine Navy ang pinalo ng baton ng isang Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal dahilan para magkasugat ang ulo nito.

Sinasabing nangyari ang insidente sa isang komprontasyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS), araw ng Lunes, Hulyo 20.

Tinuran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na lulan ng rigid-hull inflatable boat (RHIB) ang CCG na may sakay na walong personnel at nilapitan ang BRP Sierra Madre ang outpost ng Philippine military sa Ayungin Shoal at doon kumuha ng mga larawan at video ang CCG.

Kaagad namang nilapitan ng AFP lulan ng rubber boats para itaboy ang mga ito, iyon lamang ay naging agresibo ang mga Chinese Coast Guard at bigla na lamang pinalo ang isang miyembro ng Philippine Navy na nagresulta sa pagkakasugat sa ulo.

Dahil rin sa pangyayari ay nagtamo rin ng danyos ang rubber boats ng Navy.

Kaagad naman na nagbigay ng lunas ang Western Command (WESCOM) sa nasugatang personnel.

Para sa AFP, ginawa lamang nila ang nararapat kung saan sinunod ang Rules of Engagement.

Samantala, nanawagan naman ang AFP sa People’s Liberation Army (PLA), CCG at Chinese maritime militia na tigilan na ang kanilang iligal at agresibong hakbang sa West Philippine Sea at marapat na sundin ang nakasaad sa 2016 Arbitral Award na nagpapatunay ang maritime rights ng Pilipinas sa ilalim ng international law. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here