Home METRO Mekaniko at labandera, huli sa buybust sa Bataan

Mekaniko at labandera, huli sa buybust sa Bataan

8
0

BATAAN- Timbog ang dalawang indibidwal na kinabibilangan ng isang lalaki at babae na mekaniko at labandera matapos maaktuhan umanong magkasabwat na nagbenta ng shabu undercover police sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa isang motorshop at talyer sa Barangay Pita, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col Bjorn John Labos Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ian”, 37 anyos, mekaniko ng motorsiklo at alyas “Lani”, 26 anyos na nagpakilalang labandera at kapwa residente sa naturang lugar.

Sa ulat, nakorner ang mga suspek makaraang mahuli sa akto ang mga ito na magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa police poseur buyer.

Nadakip ang mga suspek makaraang ireklamo ng mga concerned citizen ang motorshop at talyer ng lalaking suspek dahil umano sa ingay ng mga naka-motorsiklong nagpupunta dito kahit disoras ng gabi.

Tiyempong sa operasyon na naroon ang babaeng suspek na nagpakilalang labandera ng mekaniko, pero kalaunan ay nabisto na nagbabagsak lang umano ito shabu sa talyer.

Nabatid sa record ng pulisya na labas-pasok sa kulungan si alyas “Lani” sa pareho din kaso ng iligal na droga, kung saan ito na ang pangatlong pagkakataon na madakip ang suspek na balik-kulungan.

Narekober sa mga suspek ang nasa higit anim (6) na gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na higit P14,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here