Home METRO Trak drayber, tiklo sa “paihi” sa Batangas

Trak drayber, tiklo sa “paihi” sa Batangas

8
0

BATANGAS, Philippines – Inaresto ang isang 48-anyos na truck driver matapos umanong magnakaw ng diesel mula sa isang tanker truck sa Alitagtag, Batangas noong Hulyo 20.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), rumesponde ang mga pulis sa ulat ng umano’y oil pilferage sa Barangay Dominador East bandang 5:40 p.m. Naabutan nila ang suspek na umano’y nagsasalin ng diesel mula sa tanker papunta sa mga lalagyan.

Narekober sa suspek ang dalawang 20-litro na lalagyan na may lamang diesel na tinatayang nagkakahalaga ng P3,200, at isang siphoning hose na pinaniniwalaang ginamit sa pagkuha ng langis.

Ang naturang ilegal na gawain ay kilala bilang “paihi,” o ang hindi awtorisadong pagsipsip ng diesel mula sa mga tanker o imbakan upang maibenta.

Nanatili sa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1865 o Oil Pilferage Law. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here