Home NATIONWIDE Byahe ni VP Sara sa limang bansa mula Hulyo 16-31, aprubado ng...

Byahe ni VP Sara sa limang bansa mula Hulyo 16-31, aprubado ng OP – Malakanang

6
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang na aprubado ng Office of the President (OP) ang byahe ni Vice-President Sara Duterte sa limang bansa mula Hulyo 16 hanggang 31, 2026.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang personal trip na ito ng bise-presidente patungong mga bansang Qatar, Germany, UK. Northern Ireland at Netherlands ay aprubado ng OP.

Matatandaang, hindi itinuloy ni VP Sara ang kanyang byahe patungong Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom, mula Abril 23 hanggang May 15, 2026 dahil sa ‘last minute’ na pag-apruba di umano sa kanyang travel request.

Pinalagan naman ni Castro ang katwiran na ito ni bise-presidente.

Ayon kay Castro, nag-request ang bise presidente noong April 14. Kadalasang tumatagal ng 5 araw ang pag-proseso nito at talagang ibinibigay ang kanyang travel authority isang araw bago ang kanyang byahe.

Binigyang diin ni Castro na hindi pinipigilang bumiyahe si VP Sara at patunay dito ang mga nakaraang biyahe niya abroad na hindi tinanggihan kahit na ang kanyang request ng pagbabakasyon o personal trip ng mahabang araw o mahabang panahon.

Samantala, sa opisyal na kalatas na ipinalabas ng Office of the President (OVP), sinabi nito na kabilang sa byahe ng bise-presidente ang paghinto sa Qatar, para magpartisipa sa forum at Filipino community (FilCom) event sa United Kingdom at maging sa Netherlands.

Ang mga aktibidad ay naglalayon na maka-ugnayan ang mag overseas filipino at isulong ang interest ng Pilipinas sa ibang bansa.

Kabilang sa itinerary pa rin ng bise-presidente ay kapuwa foreign travel at personal engagement.

Binigyang diin ng OVP na walang government funds na ginamit para sa buong byahe ni VP Sara.

Samantala, nananatili namang nakahanda at operational ang OVP sa disaster response mechanisms sa panahon ng emergency.

Ipagpapatuloy din ng OVP ang implementasyon ng mga programa at proyekto nito, isasagawa sa pamamagitan ng 10 satellite office nito sa buong bansa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here