MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Defense Ministry ng Japan na nagsagawa ang Chinese navy ng firing exercises sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Japan, araw ng Linggo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinabi sa publiko ng ministry ang drill ng Chinese military sa EEZ ng Japan.
Sinabi pa rin ng ministry na ang Russian navy frigate ay nasa malapit lang, dahilan para magbabala at magsagawa ng surveillance activities ang Japanese Maritime Self-Defense Force.
“We recognize the move as part of efforts to strengthen military cooperation between the Chinese and Russian militaries, and we are closely monitoring the situation with concern,” ayon kay Japanese Chief Cabinet Secretary Minoru Kihara sa isang panayam.
Ayon sa ministry at iba pang sources, natuklasan ng MSDF ang tatlong Chinese vessels at isang Russian vessel na naglalayag sa northeasterly direction na may 330 kilometers southwest ng remote Tokyo island ng Okinotorishima sa Pasipiko ng alas-2 ng madaling araw, araw ng Linggo.
Sa tatlong Chinese vessels, may isang missile destroyer ang nagsagawa ng machine-gun drills sa loob ng EEZ ng Japan na matatagpuan sa 180 kilometers southwest ng isla.
Ang Japanese government, sa pamamagitan ng diplomatic channels, sinabihan ang Tsina na ang drills ay maaaring magdulot ng panganib sa mga naglalayag sa kalapit na lugar.
Napaulat na nagpalabas kaagad ang Chinese navy vessel ng radio notification sa kalapit na lugar bago pa isagawa ang live-fire drills.
Samantala, sinabi ni Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi sa kanyang talumpati, kasalukuyang bumibisita sa Britain, na nagsagawa ang Chinese at Russian militaries ng live-fire exercises sa EEZ ng Japan.
Winika ni Koizumi na mas pinalalalim pa ng dalawang bansa ang kanilang military cooperation. (KRIS JOSE)