Home METRO Nanay tinadtad ng saksak ng anak sa Camotes Island

Nanay tinadtad ng saksak ng anak sa Camotes Island

1
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 51-anyos na babaeng barangay utility worker matapos umano siyang pagsasaksakin ng sariling anak sa Sitio Mahayahay, Barangay Sonog, bayan ng San Francisco sa Camotes Island nitong Martes, Hulyo 21.

Kinilala lamang ng pulisya ang biktima bilang alyas Melody at ang suspek bilang alyas Kyle, 29. Nangyari ang insidente dakong alas-10:45 ng umaga.

Pagdating ng mga pulis, nakita nila ang biktima na nakahandusay sa isang bakanteng lote malapit sa kanilang bahay, habang nakatakas na ang suspek.

Sa paunang imbestigasyon, nagalit umano ang suspek matapos humingi ng tulong ang kanyang ina sa Rural Health Unit at sabihin sa mga tauhan doon na nakararanas ng problema sa kalusugang pangkaisipan ang kanyang anak.

Pag-uwi ng biktima, kumuha umano ng kitchen knife ang suspek, hinabol ang kanyang ina at pinagsasaksak ito.

Dinala ang biktima sa Ricardo L. Maningo Memorial Hospital sa San Francisco ngunit binawian ng buhay makalipas ang ilang oras.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at naaresto ang suspek sa Sitio Pagnahian, Barangay Sonog.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here