Home NATIONWIDE Rubio: Pagkontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, delikado

Rubio: Pagkontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, delikado

3
0

MANILA, Philippines — Nagbabala si US Secretary of State Marco Rubio na magiging mapanganib na precedent kung papayagang kontrolin ng Iran ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz, dahil maaari itong maulit sa ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Southeast Asia.

Sa pulong ng ASEAN Foreign Ministers, sinabi ni Rubio na walang karapatan ang Iran na kontrolin ang mahalagang international waterway at maningil o magbanta sa mga barkong dumaraan dito.

Nagpahayag din ng matinding pag-aalala ang mga foreign minister ng ASEAN sa lumalalang tensyon sa pagitan ng US at Iran at nanawagang itigil ang labanan. Iginiit din nila ang ligtas at tuloy-tuloy na paglalayag sa Strait of Hormuz dahil mahalaga ito sa kalakalan, suplay ng enerhiya at pagkain.

Sinabi ni Rubio na handang makipagtulungan ang US sa ASEAN upang matugunan ang posibleng epekto ng sigalot sa suplay ng enerhiya at presyo ng langis.

Bago ang pulong, nakipagpulong din si Rubio kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at pinuri ang Pilipinas sa matagumpay na pagho-host ng ASEAN meetings. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here