Home METRO Senglot, arestado matapos manutok, magpaputok ng baril sa Cavite

Senglot, arestado matapos manutok, magpaputok ng baril sa Cavite

7
0

CAVITE, Philippines – Isang lalaki na lango sa alak ang inaresto ng pulisya makaraang takutin at tutukan nito ng baril ang kanyang dalawang kapitbahay sa Purok 1, Barangay Pulong Saging, Silang, Cavite.

Ayon sa report ng pulisya, dakong 8:30 ng gabi, isa umanong lalaki na nasa impluwensiya ng alak ang inaresto kaugnay sa pananakot, panunutok at pagpaputok ng baril na ikinatakot ng mga residente rito.

Batay sa imbestgasyon matapos ang pamumutok ng baril nagpunta umano ang suspek sa bahay ng dalawang kapitbahay dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang  bubunutin umano ng suspek ang kanyang baril at nagbitiw ng mga pagbabanta laban sa dalawa.

Dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan, agad na humingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima.

Mabilis namang rumesponde ang SWAT Team ng Silang MPS at nagsagawa ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang isang Remington caliber .45 pistol na may magazine at bala.

Sa isinagawang beripikasyon, nabigo umano ang suspek na magpakita ng anumang lisensya o permit na magpapatunay na legal ang pagmamay-ari at pagdadala niya ng naturang baril.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong Alarm and Scandal (Illegal Discharge of Firearm), paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Grave Threats.

Isasailalim pa sa forensic examination ang nakuhang baril, habang ang suspek ay sasailalim din sa paraffin examination bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng pulisya. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here