Home NATIONWIDE Speaker Dy: Maghanda na sa El Niño bago lumala ang tagtuyot

Speaker Dy: Maghanda na sa El Niño bago lumala ang tagtuyot

1
0

MANILA, Philippines — Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga ahensya ng gobyerno na maghanda na laban sa posibleng epekto ng El Niño sa halip na maghintay na lumala ang sitwasyon.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni Dy na naranasan na ng bansa ang matinding epekto ng El Niño noong 2023–2024, kung saan bumaba ng 12% hanggang 15% ang produksyon ng palay at tumaas ang presyo ng bigas.

Ibinahagi rin niya ang karanasan ng Isabela, kung saan naapektuhan ng matinding tagtuyot ang mga sakahan, irigasyon at palaisdaan. Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa mga ahensya ng gobyerno upang magplano ng maagang hakbang, kabilang ang pamamahala ng suplay ng tubig, ayuda sa mga magsasaka at mangingisda, at pagpapalawak ng mga proyekto sa irigasyon at water harvesting.

Ayon kay Dy, layunin ng Kongreso na bumuo ng isang pambansang plano sa paghahanda laban sa El Niño upang maprotektahan ang agrikultura at matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mga pangunahing food-producing province tulad ng Isabela, na nagsusuplay ng malaking bahagi ng bigas para sa Metro Manila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here