Home METRO 1 utas, 2 nailigtas matapos malunod sa dagat

1 utas, 2 nailigtas matapos malunod sa dagat

3
0

BATAAN, Philippines – Patay ang isang 29 anyos na lalaki habang nakaligtas nang masagip ang dalawa pang kasamahan nito matapos malunod habang naliligo sa dagat sa Barangay Pag-asa, Bagac.

Kinilala ang nasawing biktima na si  Jerico Panganiban, 29 anyos, na tiga- Bulacan.

Sa ulat, dumayo ang mga ito para mag-excursion sa Lugar.

Napadpad umani sa malalim na bahagi ang tatlong magkakaibigan ng tangayin umano ng malakas na alon.

Napansin ilang mga naroon na nalulunod ang mga ito ng makitang  kumakaway at tila humihingi ng tulong na may kalayuan sa pampang ng dagat.

Nagawang masagip at naiahon ng mga nakakita ang tatlo pero sinawing palad ang isa kanila.

Isinugod sa Rural Health Unit (RHU)   ang mga ito, kung saan nakaligtas ang dalawa habang idineklarang  dead on arrival ang isa sa kanila (Victim Panganiban).

Muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga nagtutungo at bumibisita sa mga dalampasigan ng dagat sa lugar na huwag maliligo Kapag nakainom ng alak at iwasan ang maligo Kapag malalakas ang alon Lalo na Kapag masama ang panahon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here