MANILA, Philippines – Muling binigyang-diin ng House prosecution panel na dapat mas maunawaan ng mga ordinaryong Pilipino ang nagaganap na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, hindi lang para sa mga nasa loob ng Senate session hall kundi pati na rin ang mga Pilipinong sumusubaybay.
Ayon kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur ang impeachment process ay may public dimension kahit ang hatol ay manggagaling lang sa Senate Impeachment Court.
“This is also about the people evaluating the proceedings in the trial, evaluating the manner by which senator judges would also approach the case,” paliwanag ni Adiong.
Aniya, may sariling paghusga din ang mga Pilipino base sa inilatag na ebidensya, argumento at sa nasaksihan na trial.
“In fact, we’ve been saying that the people is also part of the judges who will also determine the case, whether the Vice President is innocent or not,” dagdag pa ni Adiong.
Inamin ni Adiong na may mga panawagan sa prosekusyon na gawing simple at hindi masyadong technical ang kanilang presentasyon kaya naman ito ang kanilang ginagawa, aniya, nagsasagawa ng media briefing at summary ang prosekusyon para maipaliwanag ang bawat kaganapan sa paglilitis.
“That’s why we’re also holding press conference before and after a trial” pagtatapos pa ni Adiong. Gail Mendoza