Home METRO Seguridad sa Bangsamoro elections, pinalakas ng Comelec

Seguridad sa Bangsamoro elections, pinalakas ng Comelec

4
0

MANILA, Philippines — Makikipag-ugnayan ang Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang mapayapang pagsasagawa ng Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre 14.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, nagsimula na ang election period noong Hulyo 16 hanggang Setyembre 29 at may 167 checkpoints nang nakapuwesto sa rehiyon. Aniya, dapat magsagawa ng joint patrol ang PNP at AFP lalo na sa mga lugar na may mataas na banta sa seguridad.

Sinabi rin ni Garcia na wala pang naitalang pag-aresto, paglabag sa gun ban, o insidente ng election-related violence mula nang magsimula ang election period.

Dagdag pa niya, natapos na rin ang pag-imprenta ng 2.3 milyong opisyal na balota, na kasalukuyang sinusuri bago ipadala sa Bangsamoro. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here