Home METRO Lalaking utak sa online bomb threat sa 3 paaralan sa Bulacan natunton...

Lalaking utak sa online bomb threat sa 3 paaralan sa Bulacan natunton ng mga parak

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang indibiduwal na umanoy responsable sa pagpapakalat ng online bomb threat na nambulabog sa mga paaralan sa bayan ng San Ildefonso.

Sa ulat, naaresto ang 18 anyos na lalaking suspek sa ikinasang intelligence-driven operation and follow-up investigation ng San Ildefonso police station katuwang ang Provincial Intelligence Unit.

Ayon sa ulat, ang insidente ay nag-ugat  sa social media posts na may bomb threat sa Saint John School, Calawitan National High School at Malipampang Elementary School.

Nabatid na agad nakipag-koordinasyon ang Local Government Unit sa pangunguna ni Mayor Gazo Galvez sa Department of Education at San Ildefonso police station para sa nararapat na hakbang habang hinikayat din ang publiko na maging kalmado, huwag magpakalat ng unverified information at makipagtulungan awtoridad.

Dahil sa nasabing masidhing operasyon ng mga awtoridad natunton ang suspek na lalaking 18 anyos, residente ng Brgy. Hilera, Jaen, Nueva Ecija, bandang 7:30 ng gabi nitong Hulyo 21.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No.1727 (Anti-Bomb Joke Law) at Article 282 of Revised Penal Code (Grave Threats) in relation to Section 6 of Republic Act No.10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here