Home NATIONWIDE ACT naglunsad ng protesta bago ika-5 SONA

ACT naglunsad ng protesta bago ika-5 SONA

6
0

MANILA, Philippines — Naglunsad ng lightning protest ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa harap ng Malacañang bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Iginiit ng ACT na lumala ang kalagayan ng mga guro dahil sa mababang sahod, kakulangan ng guro, silid-aralan, kawani, at iba pang pangangailangan sa mga pampublikong paaralan. Anila, hindi nila nararamdaman ang sinasabing prayoridad ng pamahalaan sa edukasyon.

Binatikos din ng grupo ang administrasyon dahil umano sa katiwalian, kakulangan sa pondo para sa edukasyon, at hindi pagtugon sa matagal nang problema ng sektor.

Kabilang sa kanilang panawagan ang P50,000 entry-level salary para sa mga guro, P5,000 PERA para sa mga empleyado ng gobyerno, paglalaan ng hindi bababa sa 6% ng GDP para sa edukasyon, at pagtigil sa kontraktwalisasyon.

Hinikayat din ng ACT ang mga guro, estudyante, at iba pang mamamayan na lumahok sa People’s SONA sa Hulyo 27. (DANNY QUERUBIN)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here