BATANES, Philippines — Isang patay na sperm whale ang narekober sa dagat malapit sa pantalan ng Ivana, Batanes noong Martes.
Namataan ito ng mga residente at tinulungang iahon ng Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sasailalim sa pagsusuri at espesyal na post-mortem examination ang balyena upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito. Pinaniniwalaang ilang araw na itong patay bago natagpuan.
Sinisiyasat din ng mga beterinaryo kung may kaugnayan ito sa Longman’s beaked whale na natagpuang patay sa Uyugan, Batanes noong Enero 26.
Ang naturang balyena ay may bigat na 2,200 kilo at haba na 6.20 metro. RNT/MDS