MANILA, Philippines – Tinatayang umabot na sa mahigit 12 milyong benepisaryo sa iba’t ibang lugar sa bana ang nakikinabang na sa P20-per-kilo rice na ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panahon ng kampanya noong 2022.
Sa katunayan, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na ang flagship “Benteng Bigas, Meron Na!” ng gobyerno ay patulo na lumalawak, dahilan para ang 20-peso-per kilo rice ay available na ngayon sa 800 participating outlets sa buong bansa.
Target ng Department of Agriculture (DA) ang magkaroon ng 1,500 outlets bago matapos ang taon upang makapagbigay ng “affordable, dekalidad na bigas na mas malapit sa pamilyang filipino sa mas maraming komunidad habang pinalalakas ang suporta para sa lokal na magsasaka at mangingisda.
“Ang target natin ay yung mga lower income lalo na ang mga PWD, 4Ps, single parents at seniors. Target natin is 15 million households,” ayon kay Tiu Laurel.
Sa kasalukuyan, ang programa ay namahagi na ng 15,000 hanggan 20,000 metric tons ng P20 bigas kada buwan, na ang layunin ng DA ay doblehin ang 40,000 metric tons kada buwan hanggang Disyembre upang masiguro na mas maraming pamilyang filipino ang maaaring magkaroon ng access sa abot-kayang pangunahing pagkain sa gitna ng global at local challenges.
Sa kabila ng epekto ng El Niño, tiniyak ng DA sa publiko na nananatiling matatag ang food supply, biniyang diin na walang dahilan para mag-alala habang patuloy na nagpapatupad ang gobyerno ng mga hakbang upang matiyak ang pagkain na kakailanganin ng bansa.
“Marami naman tayong supply, ample, walang cause for any alarm, we are food secure,” ayon sa Kalihim.
Maliban sa gawing mas affordable ang bigas, nilikha rin ng inisyatiba ng sang reliable market para sa locally produced palay, pinapayagan ang mga magsasaka na kumita ngmas maayos habang sinisiguro sa na makikinabang ang mga consumers mula sa mas mababang halaga ng pagkain.
“Masayang-masaya ang farmers… Nakakatulong talaga sa kanilang kabuhayan,” ang sinabi ng Kalihim.
Upang mas lalo pang palakasin ang agriculture sector, patuloy na namumuhunan ang DA sa long-term interventions gaya ng solar-powered irrigation systems, farm-to-market roads, agricultural credit sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), climate resilience programs para sa mga magsasaka at mangingisda, at mga hakbang para mapigilan ang pumatay ng isa sa panahon ng matinding weather conditions.
Gayundin, pinabilis naman ng DA ang infrastructure investments sa pamamagitan ng public-private partnerships, na may target na pagpapatayo ng 10,000 kilometers ng farm-to-market roads sa loob ng dalawan taon, habang isinusulong ang unang tatlong mega hatcheries para palakasin ang aquaculture production at paghusayin ang pangkabuhayan ng fishing communities.
Itinutulak din ng DA ang reporma na “that encourage greater investments in rice milling, drying, and storage facilities to strengthen the local rice industry, reduce dependence on imports, and create more opportunities for Filipino farmers over the long term.”
Para kay Tiu Laurel, “Tanging hangad ko ay kumita ‘yung ating mga farmers and fisherfolks. While in office, one of my main missions is to create the atmosphere and give them the infrastructure for them to be able to make money.”
Gayundin, hinikayat naman ni Tiu Laurel ang mga stakeholders na patuloy na makipagtulungan sa gobyerno na paghusayin ang food systems ng bansa.
“Kung meron kayong gustong paratingin at mga ideas, it is very welcome and we have an open structure. Ang utos po ng Pangulo ay tutukan nang maayos ang agrikultura, hopefully maayos namin lahat ng mga problema ninyo,” ang winika pa ni Tiu Laurel (KRIS JOSE)