Home HOME BANNER STORY “Pangha-harass” sa photojournalists sa Pasay rally, kinondena ng PCP

“Pangha-harass” sa photojournalists sa Pasay rally, kinondena ng PCP

4
0

MANILA, Philippines — Kinondena ng Photojournalists’ Center of the Philippines (PCP) ang umano’y pangha-harass at pananakot ng ilang pulis sa dalawang photojournalist habang nagko-cover ng rally kaugnay ng ASEAN meetings.

Ayon sa PCP, pinigilan ng mga pulis sina Bullit Marquez at Rene Dilan na kuhanan ng larawan ang pag-aresto sa mga raliyista. Sinubukan ding arestuhin at posasan si Marquez kahit nakasuot siya ng press ID, ngunit napigilan ito matapos mamagitan ang ibang miyembro ng media.

Iginiit ng PCP na dapat makapagtrabaho ang mga mamamahayag nang walang pananakot o panghaharang. Nanawagan din ito sa mga awtoridad na imbestigahan ang insidente, panagutin ang mga responsable, at tiyaking mapoprotektahan ang kalayaan at kaligtasan ng mga mamamahayag. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here