Home NATIONWIDE Libreng sakay alok ng DOTr pantapat sa transport strike

Libreng sakay alok ng DOTr pantapat sa transport strike

4
0

MANILA, Philippines — Magbibigay ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ng libreng sakay sa piling ruta sa Metro Manila sa Huwebes, Hulyo 23, kasabay ng ikalawang araw ng tigil-pasada ng transport group na Manibela.

Isinagawa ng Manibela ang dalawang araw na transport strike noong Hulyo 22 at 23 bilang protesta sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at upang igiit ang dagdag-pasahe.

Magiging available ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 hanggang alas-8 ng gabi.

“Kabilang sa mga ruta ng libreng sakay ang Welcome Rotonda-Fairview; Recto-Cubao via Nagtahan; Quiapo-Cubao via E. Rodriguez; Quiapo-Fairview; Kalentong-Pasig Palengke; at PITX-Lawton at vice versa,” ayon sa advisory ng DOTr.

Isinasagawa ang programa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard, Department of Energy, Department of Public Works and Highways, Department of Economy, Planning, and Development, at Department of Labor and Employment. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here