Home NATIONWIDE Poa: VP Sara, ‘di marahas; tamang konteksto, mahalaga

Poa: VP Sara, ‘di marahas; tamang konteksto, mahalaga

1
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni Vice President Sara Duterte’s defense spokesperson Michael Poa na hindi kailanman naging marahas ang Bise Presidente at layunin nilang ipakita sa impeachment trial ang kanyang tunay na pagkatao.

Ayon kay Poa, hindi totoo ang mga alegasyong nagiging marahas si Duterte at sinabi niyang hindi niya ito nakitang nagwala o sumigaw sa loob ng kanilang trabaho mula noong 2022.

Tungkol sa pahayag ni Duterte noong 2024 na may ipapapatay siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung siya ay papatayin, sinabi ni Poa na hindi nila itinatanggi ang naging pahayag ngunit mahalagang isaalang-alang ang buong konteksto nito. Aniya, nasa mga senator-judges ang pagpapasya kung ito ay maituturing na impeachable offense.

Binigyang-diin din ni Poa na ang insidente noong 2011 kung saan sinuntok ni Duterte ang isang sheriff ay nangyari bago pa siya maging opisyal na maaaring ma-impeach. Aniya, mahalagang isaalang-alang ang mga pangyayari noon, kabilang ang isinasagawang demolisyon sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here