Home NATIONWIDE DND, planong bumili ng higit 500 fighting vehicles

DND, planong bumili ng higit 500 fighting vehicles

1
0

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na plano ng pamahalaan na bumili ng mahigit 500 fighting vehicles upang mapalakas ang proteksyon at mobility ng mga sundalo.

Sa panayam, sinabi ni Teodoro na kailangang mabilis na makaresponde ang mga sundalo at dapat na ligtas sila habang nasa operasyon.

“Kaya nag-e-embark tayo na bumili ng 500 plus fighting vehicles para protektado ang ating mga sundalo.”

Ang tinutukoy na fighting vehicles o infantry fighting vehicles ay mga armored vehicle na ginagamit sa pagdadala ng mga sundalo sa labanan at nagbibigay rin ng direct fire support.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Teodoro dahil sa seguridad, ngunit sinabi niyang kapag naipadala na ang mga sasakyang ito, hindi na kakailanganing maglakad o magmartsa nang malayo ang mga sundalo.

Aniya, magsisilbi rin itong panlaban o deterrent dahil mas mabilis nang makakatugon ang militar sa anumang banta. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here