Home METRO 12 arestado sa P4.5M tobats sa Rizal

12 arestado sa P4.5M tobats sa Rizal

1
0

RIZAL, Philippines — Labindalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa buy-bust operation sa San Mateo, Rizal noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Calabarzon Police, isinagawa ang operasyon bandang 9:26 p.m. sa loob ng bahay ng alyas na “Madam” sa Barangay Sto. Niño matapos umanong magbenta ang mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu sa isang undercover na pulis.

Nasamsam sa mga suspek ang pitong heat-sealed plastic sachet, anim na plastic bag, at iba pang drug paraphernalia na naglalaman ng humigit-kumulang 661.98 gramo ng hinihinalang shabu.

Tinatayang nagkakahalaga ang nakumpiskang droga ng P4,501,464, batay sa standard valuation ng Dangerous Drugs Board.

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan ng mga ilegal na droga.

Nakakulong na ang lahat ng naarestong suspek at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here