MANILA, Philippines — Pinayagan ng Quezon City ang tatlong grupo na magsagawa ng rally sa Commonwealth Avenue sa Lunes, Hulyo 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang mga pinayagang grupo ay ang Bagong Alyansang Makabayan, Sanlakas, at Better Brighter.
May iba pang grupo na naghihintay pa ng pag-apruba ng kanilang aplikasyon para sa protesta.
Magde-deploy ang PNP ng mahigit 20,000 pulis upang tiyakin ang seguridad, kaayusan, at maayos na daloy ng trapiko sa araw ng SONA.
“We will be deploying an appropriate number of personnel to assist in the traffic situation, of course to ensure the safety of all participants and the general public,” ani PNP public information chief Col. Allen Rae Co.
Patuloy rin ang koordinasyon ng PNP sa MMDA at iba pang ahensya para sa traffic management.
Samantala, nakikipag-ugnayan din ang PNP sa mga lider ng Iglesia Ni Cristo (INC) kaugnay ng kanilang inaasahang pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo, na gaganapin din sa Lunes.
“As of this time, we’re still coordinating, continuing ang ating coordination with the church leaders as to where they will hold their anniversary,” ani Co. RNT/MDS