Home NATIONWIDE Teodoro: China walang karapatang makialam sa Ayungin

Teodoro: China walang karapatang makialam sa Ayungin

3
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang karapatan ang China na makialam sa mga ginagawa ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Tumanggi rin siyang kumpirmahin o pabulaanan ang pahayag ng China na lumabag umano ang Pilipinas sa isang sinasabing pansamantalang kasunduan dahil sa mga umano’y konstruksyon sa lugar.

“Wala silang pakialam kung ano ang gawin natin sa teritoryo natin.”

“Hindi nangangahulugan na kinukumpirma ko ang isang bagay o hindi kasi nilalagyan nila ng salita ang bibig natin, eh… Ang sinasabi ko, wala silang pakialam.”

Ang pahayag ni Teodoro ay kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal kung saan umano’y hinampas sa ulo ng kahoy na baton ng isang tauhan ng China Coast Guard (CCG) ang isang sundalo ng Philippine Navy.

Ayon sa Philippine Navy, lumapit nang labis ang isang bangka ng CCG sa BRP Sierra Madre, kaya nagpadala ang militar ng dalawang bangka upang mapaalis ito sa mapayapang paraan.

Sinabi rin ng Navy na marahas at agresibo ang naging kilos ng mga tauhan ng China Coast Guard sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here