Home METRO 2 bata na-hit-and-run sa Lapu-Lapu City; drayber tinutugis

2 bata na-hit-and-run sa Lapu-Lapu City; drayber tinutugis

4
0

MANILA, Philippines – Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang drayber ng sasakyang nakabangga sa dalawang bata sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City, noong Miyerkules ng gabi bago tumakas.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nakaupo sa ilalim ng isang signage ang dalawang bata nang bigla silang banggain ng humaharurot na sasakyan.

Ayon sa Lapu-Lapu Traffic Enforcement Unit, pumasok sa no-entry na kalsada ang sasakyan bago nangyari ang insidente.

Nakaligtas ang isang bata, habang nagtamo naman ng mga sugat ang isa pa at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Patuloy na tinutukoy at hinahanap ng Lapu-Lapu City local government ang drayber.

“Kailangan niyang harapin ang kaniyang mali lalo na sa paglabag ng traffic rules,” ani Lapu-Lapu City Rep. Ahong Chan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here