CAUAYAN CITY, Isabela – Matapos ang isinagawang pagpupulong o orientation ng mga konsernadong ahensya ng pamahalaan ay agad na simulan ang cloud seeding operation sa Magat Dam watershed bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na madagdagan ang pag-ulan upang mapataas ang water elevation ng nasabing dam.
Ayon kay NIA-MARIIS Department Manager Engr. Gileu Michael Dimoloy, sinimulan na ang cloud seeding operation matapos ang kanilang pag-inspeksyon sa mga logistics, kabilang ang eroplano at asin na gagamitin sa operasyon.
Sinabi pa ni Engr. Dimoloy, ang Bureau of Soil and Water Management (BSWM) ang nangasiwa sa procurement ng mga kinakailangang kagamitan at naihanda na ang mga ito noon pang Disyembre 2025 bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño.







