Home HOME BANNER STORY Piso, bumagsak sa panibagong record low

Piso, bumagsak sa panibagong record low

4
0

MANILA, Philippines — Bumagsak sa panibagong record low ang halaga ng Philippine peso laban sa US dollar nitong Biyernes matapos lumakas ang dolyar dahil sa muling pagtaas ng presyo ng langis at tensyon sa Middle East.

Nagbukas ang piso sa 61.80 kada dolyar at humina hanggang 61.845, na mas mababa kaysa sa naunang record na 61.75 noong Miyerkules.

Ayon sa ulat, lumakas ang US dollar dahil sa pagtaas ng US Treasury yields at pag-akyat ng presyo ng langis sa mahigit $100 kada bariles, na nagdulot ng pangamba sa panibagong pagtaas ng inflation.

Nauna nang nagbabala ang MUFG Global Market Research na maaaring humina ang piso hanggang 64 kada dolyar kung lalala muli ang sigalot sa Middle East at lalo pang tataas ang presyo ng langis.

Gayunman, inaasahan pa rin ng MUFG na unti-unting lalakas ang piso hanggang 61 kada dolyar kung hihina ang tensyon sa digmaan at bababa ang halaga ng US dollar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here