Home SPORTS Logan Paul target labanan si McGregor pagkatapos ng injury rehab

Logan Paul target labanan si McGregor pagkatapos ng injury rehab

3
0

MANILA, Philippines – Tahasang hinamon ni American boxer Logan Paul si MMA champion Conor McGregor na ngayo’y nagpapagaling sa tinamong knee injury sa kanyang laban kamakailan.

Ayon sa ulat, aabutin ng halos isang taon o mahigit pa ang rehabilitasyon ni McGregor dahil sa kaniyang injury sa tuhod, kasunod ng pagkatalo kay Max Holloway sa opening ng UFC 329.

Unang match ni McGregor ang laban kontra kay Holloway matapos ang limang taong pamamahinga. Bago nito ay natalo rin ang two-division champion kay American MMA fighter Dustin Poirier dahil na rin sa injury sa paa.

Sinabi ni Paul, na agad nitong tinawagan ang manager ni McGregor kasunod ng pagkatalo nito kay Holloway para sa possibleng laban nilang dalawa.

Ibinida ni Logan, na marapat lamang na magharap ang dalawa bilang kapwa star ng (World Wrestling Entertainment (WWE). Itinuturing umano ni Paul si MacGregor na isang wrestler, sa kabila ng kaniyang sucessful career sa MMA.

Gayunpaman, sinabihan umano siya ng kaniyang manager na posibleng tapos na ang karera ni McGregor kasunod ng panibago niyang pagkatalo.

Sa kabila nito, una nang nangako ang MMA champion na tatapusin lamang niya ang kaniyang rehab at posibleng sa susunod na taon ay muli siyang sasabak sa UFC (Ultimate Fighting Champion). Ang naturangt laban ay posibleng huling match na rin sa karera ni batikang striker.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here