Home METRO 2 hinihinalang tulak, arestado; P2M tobats nasamsam sa Batangas

2 hinihinalang tulak, arestado; P2M tobats nasamsam sa Batangas

1
0

BATANGAS, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang drug trafficker matapos makuhanan ng mahigit ₱2.04 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Batangas City madaling-araw ng Biyernes.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Sarah” at “Regie”, na inaresto sa Barangay Balagtas bandang 2:29 a.m. sa operasyon ng Batangas City Drug Enforcement Unit sa tulong ng PDEA-Batangas.

Ayon sa pulisya, naibenta umano ng mga suspek ang ₱400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover police officer.

Nasamsam sa kanila ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 300 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱2.04 milyon.

Itinuturing si “Sarah” bilang isang high-value individual (HVI) sa ilegal na droga, habang si “Regie” ay hinihinalang street-level drug pusher.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang isang cellphone na pinaniniwalaang naglalaman ng ebidensya ng ilegal na bentahan ng droga. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinanggalingan ng mga nakuhang ilegal na droga.

Nakakulong na ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here