PAMPANGA, Philippines – Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang pamamahagi ng government assistance sa kanyang naging pagbisita sa Pampanga Food Security Complex (PFSC) sa Lubao, Pampanga.
Personal na ininspeksyon ni Pangulong Marcos ang newly completed PFSC, kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dating pangulo at Pampanga Second District Rep. Gloria Macapagal Arroyo, at Pampanga Governor Lilia Pineda.
Dinisenyo bilang isang one-stop postharvest service center, ang P465.76-million PFSC ay nagbibigay sa mga magsasaka ng “accreditation, palay procurement at receiving services, drying, milling, storage, inventory management, packaging, at distribution.”
Ang integrated rice processing facility ay inaasahan na mapakikinabangan ng 30,995 rice farmers na nagsasaka o nagbubungkal sa 42,994 ektarya ng rice-producing land sa Pampanga.
Mayroon itong tinatantyang annual output na 136,800 bags ng dry palay at 78,000 bags ng milled rice, kung saan ang bawat bag ay tumitimbang ng 50 kilo.
Nagtatampok din ito ng dalawang bodega na may pinagsamang floor area na 5,000 square meters.
Ang Warehouse 1 ay maaaring m ag-imbak ng 83,000 bags ng milled rice, habang ang Warehouse 2 ay may kapasidad na 45,000 bags ng dry palay.
Ang drying facility ay mayroong six 6-ton mechanical dryers at dalawang 12-ton mechanical dryers, may kakayahan na magtuyo ng 1,200 bags ng palay, araw-araw.
Ang isang 5,000-square-meter drying pavement ay maaaring mag-accommodate ng 1,400 bags ng wet palay, habang ang rice mill ay mayroong processing capacity ng apat hanggang limang tonelada kada oras, na may tinatayang milling recovery rate na 65%.
Sinabi ni Tiu Laurel na ang strategic location ng food security complex ay ginawa nitong mahalaga para sa food security requirements ng bansa.
Idinagdag pa nito na ginawang simple ng pasilidad ang postharvest operations para sa mga magsasaka, nagpapabuti ng kahusayan at tinitiyak na ligtas ang mga pagkain.
“More or less, we’re more ready than ever this harvest season,” ayon kay Tiu Laurel.
“The data [and] the facts will show that [Marcos] admin has provided the most facilities and machineries for the modernization of the agriculture,” anito.
At upang mapalawak pa ang kakayahan ng pasilidad, naglaan ng P240 million sa ilalim ng General Appropriations Act at sa pamamagitan ng pagsisikap ni Arroyo para sa konstruksyon ng dalawang karagdagang bodega.
“Once completed, the new warehouses will accommodate an additional 112,500 bags of milled rice and 75,000 bags of palay, significantly increasing the PFSC’s storage capacity and further enhancing the province’s food security efforts,” ayon pa rin sa Kalihim.
Samantala, sa naging pagbisita ng Pangulo, pinangunahan nito ang distribusyon ng P17.7 million na Sustainable Livelihood Program assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 21 SLP associations na kumakatawan sa 630 miyembro.
“Each association received grants ranging from P600,000 to P900,000, while individual farmers received P3,000 each under the DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations program,” ayon sa ulat.
Nakapulong naman ng Pangulo ang 11 kinatawan ng kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka kung saan ang mga miyembro ay benepisaryo ng ng palay procurement program ng Pampanga at PFSC’s post-harvest services. (KRIS JOSE)