Home NATIONWIDE Sa isang phone call: Global security, ekonomiya, pinag-usapan ni PBBM, Trump

Sa isang phone call: Global security, ekonomiya, pinag-usapan ni PBBM, Trump

1
0

MANILA, Philippines – Nag-usap sa telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump, araw ng Huwebes hinggil pandaigdigang ekonomiya, seguridad, at mga pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ayon sa PCO, ang phone call ay nag-ugat mula sa naging pagpupulong nina Pangulong Marcos at US Secretary of State Marco Rubio, kung saan ipinaalam ng Pangulo kay Rubio ang mga pinakabagong insidente sa South China Sea.

Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, tiniyak ni Trump kay Pangulong Marcos na ihaharap niya sa susunod niyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang mga alalahanin ng Pilipinas kaugnay ng sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Inaasahan naman na magpupulong sina Trump at Xi sa Washington sa Setyembre.

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton ang pag-uusap nina Pangulong Marcos at Trump isang post sa X, aniya kapuwa umaasa ang dalawang lider na mananatili ang kanilang regular contact.

“One of my goals as US Ambassador to the Philippines is to ensure our two leaders are regularly in touch with each other,” ayon kay Lipton.

“Great things ahead!” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here