Home HOME BANNER STORY Pagsusunog ng effigy sa SONA rally, di papayagan

Pagsusunog ng effigy sa SONA rally, di papayagan

5
0

MANILA, Philippines — Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na paiiralin nito ang lahat ng mapayapang paraan upang pigilan ang pagsusunog ng mga effigy sa mga protesta kaugnay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Public Information Chief Col. Allen Rae Co, ipinagbabawal ang pagsusunog ng effigy at anumang bagay.

“If someone will burn things, it is not allowed. As a matter of fact, not only effigies, burning anything is not allowed,” saad niya.

“We will exhaust all peaceful means to stop this. This is an illegal act. If not, we will have to act more decisively,” dagdag pa niya.

Noong 2023, nagsampa ng reklamo ang Quezon City Police District (QCPD) laban sa isang artist ng Bagong Alyansang Makabayan matapos sunugin ang effigy ni Pangulong Marcos sa ikalawang SONA nito, batay sa Clean Air Act at Ecological Solid Waste Management Act.

Nauna nang sinabi ng PNP na tatlong grupo ang pinayagang magsagawa ng rally sa Commonwealth Avenue sa Hulyo 27.

Samantala, muling nanawagan si PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga organizer na magbantay laban sa mga “outside provocateurs.”

Binigyang-diin ni Co na iginagalang ng PNP ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, ngunit kikilos ito kung malalagay sa panganib ang kaligtasan ng publiko o kung may magtatangkang maghasik ng karahasan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here