Home NATIONWIDE PTFoMS: Mga alituntunin sa media coverage ng mga rally, dapat sundin ng...

PTFoMS: Mga alituntunin sa media coverage ng mga rally, dapat sundin ng mga Pulis

3
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang Presidential Task Force On Media Security (PTFMS) na susundin ng mga pulis ang mga guidelines na itinakda hinggil sa coverage sa mga rally na ikino cover ng Media upang hindi na umano maulit pa ang insidente ng harassment sa mga Media na nag-cover ng rally gaya ng naganap  sa Pasay City nitong nakalipas na Hulyo 22, 2016 (Miyerkules).

Sinabi ni Undersecretary Jose “Joe” Torres Jr. Executive Director ng  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na dapat respetuhin ng mga pulis ang mga Journalist  bilang kanilang karapatan at trabaho na icover ang naturang event ng rally habang nagpapanatili ng peace and order sa lugar.

“May guidelines na dapat sundin ang mga pulis at dapat nilang sundin ito” sabi ni Usec. Torres Jr.

Sa text message at telephone interview sinabi ni  Usec. Torres na lubha siyang nababahala sa insidente ng umano’y harassment sa Photojournalist na si Bullit Marquez na nag cover lamang ng demonstrasyon sa Pasay City.

“Sa kasalukuyan hinihintay natin ang opisyal na pahayag ng media kung nais nilang magsampa ng reklamo sa pulis” sabi ni  Torres.

Sinabi sa ulat na si Marquez, kasama ang ibang kasamahang PhotoJournalist ay hinarang ng mga pulis sa pagdodokumento ng naturang rally at sinubukang pang arestuhin ng mga pulis.

Kasama ni Marquez ang iba pang miyembro ng media na itinaboy ng mga pulis  sa naganap na kilos protesta sa pagbisita ni U.S. Secretary of State Marco Rubio para sa 59th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting.

Sinabi pa ni Torres na dapat respetuhin ng mga awtoridad ang mga Media na nagko cover lamang upang makakuha ng tamang impormasyon para sa pagbabalita.

Kaugnay nito sinabi pa ng PTFMS na sa bahagi ng pulis at Napolcom patuloy umano ang kanilang imbestigasyon hinggil sa insidente at hinihinatay ng task force ang kanilang ulat.

Nauna ng sinabi ng PTFOMS na kinikondena ng task force ang ganitong uri ng pananakot laban sa mga miyembro ng media at nanawagan sa mga awtoridad na igalang at protektahan ang mga karapatan at kaligtasan ng media, upang magampanan nila ang kanilang tungkulin nang malaya. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here