Home ENTERTAINMENT Alden, nakuha ang kiliti ni Nadine!

Alden, nakuha ang kiliti ni Nadine!

1
0

Manila, Philippines – Masaya si Alden Richards na pagkatapos niyang makatrabaho si Kathryn Bernardo ay ang arch rival naman nitong si Nadine Lustre ang kanyang kapareha sa isang upcoming serye na ang kabuuan ay kinunan pa sa Siargao.

Maliban sa dalawa, bet daw niyang makatrabaho pa ang ibang leading ladies na puwedeng younger his age.

Noong una raw, akala raw niya ay masungit o suplada si Nadine.

Pero nadiskubre raw niya ang kiliti o soft side ng aktres.

Tulad daw niya, isang nature lover daw si Nadz who seeks thrill and adventure.

Bukod sa kuwela, may itinatagong kakalugan din daw ang aktres.

Hirit pa niya, maganda raw ang naging bonding nila habang ginagawa ang serye.

Katunayan, iba raw ang nabuong closeness o friendship nila sa set.

Very professional at collaborative din daw ang award-winning actress.

Sa naturang panayam ng isang TV journalist turned vlogger, inamin din ni Alden na minsan na siyang na-heartbroken.

Gayunpaman, hindi naman niya ini-reveal

ang babaeng nambasted sa kanya.

Sa mga nang-uurot naman kung bakit single pa rin siya sa edad na 34, keber na lang daw siya sa opinyon ng mga namba-bash sa kanya.

Dumating din daw siya sa puntong ayaw na niyang magpaliwanag.

Naniniwala naman siyang darating ang babaeng itinadhana sa kanya sa tamang panahon. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here