Home HOME BANNER STORY Impeachment trial nais pang gawing simple, madali ng Senado

Impeachment trial nais pang gawing simple, madali ng Senado

7
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na ikinokonsidera nito ang mga pagbabago sa iskedyul sa pagpresenta ng Articles of Impeachment na hakbang upang mapadali pa ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ani Gatchalian ay pinag-uusapan nila ito ni Senate impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero.

Natapos na ang House prosecution panel sa presentasyon ng mga witness at ebidensya para sa Article IV, na tumatalakay sa death threat ni Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Matapos ang State of the Nation Address ng Pangulo sa Lunes, nakatakda namang talakayin ng prosekusyon ang Article I na may kaugnayan sa maling paggamit ng confidential funds ni Duterte.

Sa ilalim ng inisyal na kasunduan, kukumpletuhin muna ng prosekusyon ang presentasyon ng lahat ng Articles of Impeachment, at pagkatapos ay isa-isang sasagutin ng depensa ang bawat article sa pagpresenta ng mga argumento, saksi at ebidensya.

Ang presentasyon ng prosekusyon sa Article IV ay inabot ng siyam na araw.

Para mas mapadali pa ito, sinabi ni Gatchalian na siya at si Escudero ay nag-uusap sa posibilidad na pagpayag sa depensa na ipresenta na ang tugon nito sa Article IV bago magtungo sa Article I.

“In that way, the defense can see what the prosecution has already talked about; they can remove their witnesses, and the public can already follow instead of having to go back to the start. That is one of the ways I see we can speed this up and so that the public can understand it more,” sinabi ni Gatchalian.

Sa kabila nito, ang desisyon ay nasa prosekusyon at depensa pa rin.

Kung papayag ang mga ito ay mababago ang iskedyul, ani Gatchalian.

Sinabi naman ni spokesperson for the prosecution Jay Tolosa na sila ay bukas sa mga pagbabagong ito para mapabilis ang paglilitis.

Wala pang tugon ang depensa kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here