MANILA, Philippines – Nalubog sa matinding baha ang ilang barangay sa Davao City dahil sa malalakas na ulan dala ng Bagyong Kiyapo at Habagat.
Tumama ang matinding baha gabi ng Biyernes, Hulyo 24 sa Bangkal sa Barangay 19-B.
Kinailangang umakyat sa mataas na bahagi ng bahay ang ilang residente dahil nalubog na ang kanilang mga bahay.
Ang iba naman ay humingi na ng tulong upang mairescue ng mga awtoridad.
Hanggang madaling araw ng Sabado, Hulyo 25 ay sinabi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na ang emergency and disaster response teams “continue to conduct evacuation operations in flood-affected areas” sa Los Amigos, Matina, Bangkal at Talomo Proper.
Iniulat din ang pagbaha sa ilang lugar ng Tabuk District.
Nasa evacuation centers na ang mga pamilya na inilikas dahil sa pagbaha ayon sa CDRRMO. RNT/JGC